A Travellerspoint blog

The Walk Part 2

Pagdating ng ikatlong palapag ay mararating na ang apartment ni Kevin. Simple lamang ito, isang studio type apartment. Isang malaking kuwarto, aniya. Lahat naman ng kailangan niya ay nandito: kama, TV, banyo, hugasan. Wala siyang gamit pangluto. Hindi rin siya naglalaba. Wala siyang masyadong gadget bukod sa telepono at laptop. Sa isang sulok, malapit sa bintana ay may lamesa siyang punong puno ng mga paborito niyang gamit. Isang litrato noong bata pa siya kasama ang mga magulang, litrato kasama ang mga pinsan, tito/tita at mga lolo at lola, mga stuffed toys na regalo ng mga pinsan at mga pamangkin niya sa kanya. Bunso ng buong pamilya si Kevin, kaya’t ganoon na lang ang atensiyon at lambing na nakukuha niya sa mga pinsan niya at mga anak ng mga ito.

Bata pa naman si Kevin. Beinte syete anyos, matangkad, medyo kayumanggi pero hindi rin moreno. Maraming nagsasabi na may itsura din naman siyang maipagmamalaki. Sayang nga raw siya sabi ng ina. Sayang daw ang magiging mga anak niya sana. Pero tinatawanan na lamang nilang mag-ina ito kapag nagkakausap.

Nagtapos siya ng Education sa isang sikat na pamantasan sa Quezon City. Hindi man naging guro, maswerte naman siyang nakahanap ng trabaho sa isang call center, kung saan ay wala pa siyang isang taong nagtatrabaho ay umangat agad siya bilang isang team lead. Pagkatapos lamang ng apat na taon, heto’t isa na siyang Operations Manager. Medyo kilala si Kevin sa kompanya dahil na rin sa hilig niyang sumama sa mga events na sponsored ng kompanya.

Kung meron man siyang maipagmamalaki, wala pa siyang nakakaniig na taga opisina nila. Kahit papaano, nakukuha niyang humindi sa mga gustong maikama siya, kahit na type nya ang mga ito.

Masyado niya kasing pinaghirapan marating ang posisyon na ito para lamang sirain ng libog. Puwede naman daw kasi makuha sa labas.

Isa pa, pagdating sa trabaho, mas inuuna niya ito kaysa sa ano pa man. Perk na lang siguro iyong malaman niyang may nagkakagusto sa kaniya. Pero ganunpaman, hindi siya kinikilig kapag may nagsasabi sa kaniyang may bago na naming nabibighani sa kaniya.

“Nakalimutan ko na kung paano kiligin,” madalas niyang sambit sa mga kalapit na kaopisina. At alam naman ng mga ito kung bakit.

Posted by jc_pagdanganan 00:41 Archived in Philippines Tagged the_walk

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint