A Travellerspoint blog

By this Author: jc_pagdanganan

Ang Paggising (082013)

Isang taon akong naglakbay
Hawak ang pusong inialay
Sa kanyang mayroon nang sinta
Kahit ako'y mabaliwala

Aking sinisi ang tadhana
Pati si Kupido't kanyang pana
Nanatili akong bulag
Sa kanyang pusong pumapalag

Salamat ika'y dumating
At hinawi ang nakapiring
Sa mga matang walang makita
Nabulag dahil sa kanya

Ngayo'y gising na sa bangungot
Pagtiwala'y hindi bantulot
Aking puso'y iyong angkinin
Habang ika'y magiging akin

Posted by jc_pagdanganan 06:47 Comments (0)

SW (081913)

As my tears have formed this sea
I laid here floating silently
For ten moons, i was helpless
My heart was almost lifeless

Then you came and reached for me
From nowhere, and suddenly
Before i drifted into the abyss
You woke me up with a sincere kiss

In your arms i found reason
To live and weather seasons
Enclosed in your tight embrace
Uncertain tomorrows, we will face

Posted by jc_pagdanganan 09:35 Comments (0)

The Walk Part 5

Ang totoo nito, hindi talaga alam ni Kevin kung ano ba sila ni Francis. Madalas ay ito ang taya kapag lumalabas sila. Siya rin ang isinasama nito kapag namimili ng gamit para sa mga kamag-anak sa US. Tulad ni Kevin, nasa US na rin halos lahat ng kamag-anak nito. May mga kaibigan man, nagsipagtrabaho agad ang mga ito at naiwan si Francis sa Unibersidad para mag-Masters.

Ilang beses na ring nahuhuli ni Kevin si Francis na nakatitig sa kanya kapag hndi siya nakatingin. Parang may gustong sabihin. Kinikilig naman si Kevin dito. Kapag naglalakad sila, madalas na dumadaplis sa isa’t isa ang mga kamay nila. Kung titingnan sila sa malayo, hindi maipagkakaila na ‘sila’ talaga.

Isang gabing magkatext sila, hindi na rin napigilan ni Kevin ang sarili. Pagkatapos ng mahabang kwentuhan tungkol sa mga ginawa nila ng araw na iyon ay nagsend siya ng: “Okay, good night. See you soon. Mwah!”

Ang tanging sagot ni Francis ay “Night.”

Pagkatapos ng gabing iyon, ilang araw ding hindi sila nakapag-usap or text. Marahil ay dahil finals week na at marami silang exams pareho. Isang araw, pagkatapos ng pinakamahirap na exam nya, nagtext si Francis.

“Celebrate tayo ng end of hell week this Sat. Teddy’s sa Maginhawa. I need to tell you something din. Ayt?”

“Alrighty. See you!” ang tanging naireply niya. Gusto sana niyang tanungin kung ano ang dapat nilang pag-usapan pero pinigilan nya nag sarili. Siguro ay ito na ang pinakahihintay niya. Baka magtatapat na ng feelings si Francis.

Posted by jc_pagdanganan 00:46 Archived in Philippines Comments (0)

The Walk Part 4

Mula nang nag-lunch sila ni Francis ay naulit pa ito nang ilang beses pa. Unti-unti ay parang naging si Francis na ang pinakamalapit na kaibigan ni Kevin sa buong Unibersidad, na siyang ikinatampo ng kaibigan niyang si Ivy.

“I was calling you last night,” sabi ni Ivy pag-upo sa mesa sa Third World kung saan nag-aaral si Kevin.

“Yeah… Sorry Ives, I was at the movies…”

“With Francis?”

“Uhm… Yeah…”

“I knew it. Are you guys having gay sex or something?”

“Oh my God! Not here!” nahihiyang sagot ni Kevin habang umikot ng tingin sa mga katabing nag-aaral.

Dagliang kinuha ni Kevin ang librong binabasa at tinungo ang labasan. Sumunod naman agad si Ivy na nagulat sa ginawa ng kaibigan.

“Hoy, san ka pupunta?” napalakas na bulong ni Ivy.

“Secret. Ba’t mo ba kasi ako pinuntahan dito? Alam mo namang nag-aaral ako.” Sagot ni Kevin paglabas ng aklatan.

“Kasi I miss you! Ano ka ba? Did you forget I’m your best friend?”

Sa lahat ng cliches, eto na talaga ang saktong sakto sa kanila ni Ivy. Isang straight na babae at isang bading na matalik na magkaibigan. Kung sabagay, noong mga panahong yun ay sikat pa ang Will and Grace, isang palabas sa US. Bilang na bilang pa lamang ang mga tauhan na bakla sa mga series noon, hindi katulad ngayon na bawat mapapanuod sa TV ay may mga bading na characters.

“I know you are. Nakakainis ka lang kasi kung anu-ano sinabi mo sa loob kanina.”

“Kevin, January pa tayo huling nagkita, before you met that guy. Kahit weekend hindi na tayo nakakalabas. People were wondering kung asan ka nung ACLE naten.”

“Malapit na finals natin, Ives. Hindi ko naman parating kasama si Francis. Minsan nag-aaral lang ako sa house. To be fair, nag-promise lang ako na samahan siya sa Laguna noong ACLE. Nagawa ko naman lahat ng pinagawa nila saten.”

“I like that you found an activity partner, Kevs. But you don’t have to turn your back on me.”

“E ikaw lang naman ang kabatak ko sa org naten. Ever since I came out, ilag na sakin yung mga orgmates natin. I feel like a weirdly pink elephant in the room pag andun ako.”

“That’s why I want to see you kahit paano. They miss you Kevin. Hindi pa lang nila nadidigest yung pag-amin mo. We’re a family, but we need adjustments din minsan. C’mon, you’re smarter than that.”

“Fine. Dadaan ako dun paminsan-minsan.”

“Good. Now tell me about this Francis guy, erm, gay. Whatever.”

“Haha! He’s actually a good person Ivy. Sayang may fieldwork siya ngayon. Kasabay ko dapat siya mag-aral today.”

“Do you like him?”

“I think so.”

“Does he like you?”

“We never talked about that.”

“Tanga. Huwag ka ngang tanga. Emotionally invested ka na no?” pang-aasar ni Ivy.

“Bago lang ako dito Ivy, I don’t know how things work. Basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko siya. Kapag nagtetext siya natutuwa ako. Minsan pakiramdam ko meron akong boyfriend for a day pag lumalabas kami.”

“Tanga. Ikaw nga itong kabisado ang schedule niya e. Bawat yaya niya sayo sasama ka agad. Nakalimutan mo na nga ang maganda mong best friend over that guy. Ano ba itsura niyan?”

“Pogi haha! Wait, alam ko may picture siya dito sa phone ko e. Kuha naming sa bus papuntang Mega.”

“Well, alam ko na kung bakit nababaliw ka diyan. Fine. Pero just make sure hindi ka madedehado ha.”

“I will. Tara. Mukhang uulan. Choc Kiss na lang tayo. Libre ko.”

Alam na ni Ivy na ayaw nang pag-usapan ni Kevin si Francis. Kapag inuto na siya nito na magpunta ng Chocolate Kiss, ibig sabihin nito ay tigilan na nila ang pinag-uusapan.

Posted by jc_pagdanganan 00:45 Archived in Philippines Comments (0)

The Walk Part 3

Nasa kolehiyo pa si Kevin nang makilala niya si Francis. Madalas siyang mag-aral noon sa Third World Studies. Tahimik kasi dito. Aircon pa, at malapit sa tambayan ng org nila.

Malapit na ang finals nila , at medyo naghahabol ng oras si Kevin para sa mga reports at readings dahil na rin sa mga activities ng org nila halos araw araw mula ng magsimula ang taon. Halos maubos na ang tinta ng highlighter nya dahil sa ang mga binabasang papel ay naghuhumiyaw na sa pagkadilaw.

“Mauubos na highlighter mo diyan ah.” Biglang sambit ng isang lalaki sa tabi niya.

“Kanina pa kita nakikita. Naghahabol ka no? Parang bawat linya yata na-highlight mo na…”

Hindi pa rin sumasagot si Kevin.

“Francis nga pala, pare.”

“Kevin.”

“Hi Kevin. Anong year mo na?”

“Second year pa lang. Mahilig ka ba talaga kumausap ng di mo kilala?”

“Nagma-Masters ako dito, just in case gusto mo tanungin kung anong year na ko. Tapos, weeks ago lang, nakikita kita sa AS namimigay ka ng flyers para sa activity nyo. Andami mong nakausap na di mo kakilala,” ani Francis na may ngiting nang-aasar.

“Ah, yun ba? Kailangan e.”

“Nakaka-miss din magka-org. Hindi ko na kasi kilala mga bagong resident members ng org ko. Kaya eto, dito na lang ako nag-aaral. Bakit di ka sa tambayan nyo mag-aral?”

“Maingay mga tao dun, di rin ako makakapag-aral.”

“Tanghali na. nagugutom na ko. Gusto mo ko samahan mag-lunch? Treat ko, tutal inabala kita.”

“Galante ka pala.”

“Hindi naman, may extra lang kasi part-time researcher din ako.”

“Hmm…”

‘Sige na. C’mon. I wanna know more about you.”

“Okay…”

Posted by jc_pagdanganan 00:43 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 1 - 5 of 7) Page [1] 2 »