A Travellerspoint blog

The Walk Part 2

Pagdating ng ikatlong palapag ay mararating na ang apartment ni Kevin. Simple lamang ito, isang studio type apartment. Isang malaking kuwarto, aniya. Lahat naman ng kailangan niya ay nandito: kama, TV, banyo, hugasan. Wala siyang gamit pangluto. Hindi rin siya naglalaba. Wala siyang masyadong gadget bukod sa telepono at laptop. Sa isang sulok, malapit sa bintana ay may lamesa siyang punong puno ng mga paborito niyang gamit. Isang litrato noong bata pa siya kasama ang mga magulang, litrato kasama ang mga pinsan, tito/tita at mga lolo at lola, mga stuffed toys na regalo ng mga pinsan at mga pamangkin niya sa kanya. Bunso ng buong pamilya si Kevin, kaya’t ganoon na lang ang atensiyon at lambing na nakukuha niya sa mga pinsan niya at mga anak ng mga ito.

Bata pa naman si Kevin. Beinte syete anyos, matangkad, medyo kayumanggi pero hindi rin moreno. Maraming nagsasabi na may itsura din naman siyang maipagmamalaki. Sayang nga raw siya sabi ng ina. Sayang daw ang magiging mga anak niya sana. Pero tinatawanan na lamang nilang mag-ina ito kapag nagkakausap.

Nagtapos siya ng Education sa isang sikat na pamantasan sa Quezon City. Hindi man naging guro, maswerte naman siyang nakahanap ng trabaho sa isang call center, kung saan ay wala pa siyang isang taong nagtatrabaho ay umangat agad siya bilang isang team lead. Pagkatapos lamang ng apat na taon, heto’t isa na siyang Operations Manager. Medyo kilala si Kevin sa kompanya dahil na rin sa hilig niyang sumama sa mga events na sponsored ng kompanya.

Kung meron man siyang maipagmamalaki, wala pa siyang nakakaniig na taga opisina nila. Kahit papaano, nakukuha niyang humindi sa mga gustong maikama siya, kahit na type nya ang mga ito.

Masyado niya kasing pinaghirapan marating ang posisyon na ito para lamang sirain ng libog. Puwede naman daw kasi makuha sa labas.

Isa pa, pagdating sa trabaho, mas inuuna niya ito kaysa sa ano pa man. Perk na lang siguro iyong malaman niyang may nagkakagusto sa kaniya. Pero ganunpaman, hindi siya kinikilig kapag may nagsasabi sa kaniyang may bago na naming nabibighani sa kaniya.

“Nakalimutan ko na kung paano kiligin,” madalas niyang sambit sa mga kalapit na kaopisina. At alam naman ng mga ito kung bakit.

Posted by jc_pagdanganan 00:41 Archived in Philippines Tagged the_walk Comments (0)

The Walk Part 1

sunny

Malalim ang buntong hininga ni Kevin paglapat ng katawan nya sa kama ng lalaking ni hindi nya matandaan ang pangalan.

“That was good…” Yun ang tanging nasambit nya pagkatapos siyang halikan sa labi ng kasamang lalaki.

“Mike, that was good, Mike,” ani Mike, na may ngiti na parang may pag-aalinlangan.

“Yeah, Mike. Pwede ba kong mag-shower muna?”

“Sure.”

“Can I borrow a towel?”

“I have a spare diyan sa pinto.”

“Cool. Boyscout.” Tugon ni Kevin bago dumiretso ng banyo.

Habang naliligo ay nagpatugtog si Kevin gamit ang kanyang smartphone. Sa ganoong paraan, walang pagkakataong magtanong si Mike ng kung anu ano sa kanya. Sinigurado rin ni Kevin na naka-lock ang pinto para hindi makapasok si Mike. Para sa kanya, invasion na ng personal space nya ang pagliligo nang sabay. Pagkatapos maligo, nagyaya pang kumain sa labas si Mike pero nagdahilan na lang siyang hinahanap na sya sa bahay.

Kakasimula pa lang ng buwan ng Mayo, at pang-apat nang beses ngayong buwan nagigising si Kevin sa kwartong hindi kanya. Pagkatapos niyang manuod ng sine kagabi, tumambay muna si Kevin sa isang coffee shop para magcharge ng phone at maghanap ng pwedeng makausap sa Grindr. At dito nya nakilala si Mike.

Marami-rami na rin siyang nakilala sa Grindr. Yung iba, naging kaibigan nya, yung iba, pangtanggal kati lang talaga. Nang gabing iyon, profile ni Mike ang nakita nyang pinakamalapit sa kanya. Ganito ang istilo ni Kevin. Tambay sa iba ibang mall para mas maraming pagpilian, hindi yung pare-parehong lalaki na lang. Katwiran nya, ayaw nyang ma-involve sa kahit kanino. Mahirap daw matali sa isa lang.

Naging ganito na ang takbo ng buhay nya. Ilang taon na rin siyang namumuhay mag-isa, bilang nasa US ang mga magulang nya. Hiwalay na ang mga ito, may kanya-kanya na ring pamilya. Hindi siya sumasama sa kahit sino sa dalawa, dala na rin ng pagkaka-ilang kung paano makikisama sa mga bagong kapatid. Mabuti na ang malayo, walang hassle. Kung pumunta siya ng US, malamang hihiwalay din naman siya ng tirahan. Marahil ay hindi magiging komportable ang ama o ina niya sa lifestyle niya.

Kahit na may sariling apartment, hindi naman naging gawain ni Kevin magdala ng ka-meet dito. Maraming pwedeng malaman at maitanong sa kanya ng sinumang pumunta sa apartment niya. Punung-puno ito ng mga litrato ng mga kamag-anak, kaibigan at katrabaho. Di rin maitatago ang hilig niya sa pagbabasa at panunuod. Iniiwasan niyang makilala at magkaroon ng connection sa mga lalaking nakakasama nya. Pero kahit ganito man siya, namimili pa rin siya ng mga sinasamahan.

Pinili niyang sumama kay Mike dahil na-meet nito ang mga requirements niya. Dapat naninirahan mag-isa. May condo o apartment na hindi masyadong tago o malayo. Pwede kahit anong oras. Maayos kausap. Nakakatakot man, wala naman siyang ibang pwedeng lugaran.

Matagal na ring walang nobyo si Kevin. Sa kanilang magkakaibigan, si Kevin lang ang single. Medyo lumalayo na rin siya sa mga kabarkada dahil na rin sa pagkakaroon ng mga ito ng mga partners. Dahil dito, naiba na kasi ang hilig na lakaran ng mga ito. Dati ay panay ang gimik nila. Inom sa Malate o O Bar, nuod ng sine, kain kung saan saan, etc. Nang magkanobyo ang mga ito, naging madalang paglabas nila. Puro date nights ang naging dahilan ng mga ito. Wala nang oras para magkwehtuhan tulad ng dati.

Hindi naman sa wala siyang interes sa mga karelasyon ng mga ito. Pero inaamin niyang minsan ay wala nang bukambibig ang mga kaibigan kundi ang mga jowa nila. Parang nawalan ng sariling identity ang mga ito. Bihira pa ang inuman, pag kumain o manuod man ng sine, lagi siyang third or fifth wheel.

Naalala niya ang mga panahong lahat sila ay single pa. Wala silang pakialam sa oras. Magsisimula ang gabi nila sa pagkain, o panunuod ng sine. Tapos ay diretso ng O Bar, o saan man malapit. Inom, yosi, pulutan, kuwentuhan. Iyan ang bumubuo ng gabi niya. Napamahal na sa kanya ang mga kaibigan. Dahil na rin sa straight lahat ng mga pinsan niya, sa mga ito nailalabas ni Kevin ang mga nais niyang maikwento. Pero dahil nga taken na ang mga kaibigan, wala na masyadong masamahan si Kevin.

Idinadaan na lang ni Kevin sa pakikipagmeet ang hindi niya magawa kasama ang mga kaibigan. Madalang siyang sumama sa mga ito na manuod ng sine o kumain sa labas, dahil mas madalas ay diretso na siya sa bahay ng mga ito.

Pagdating ni Kevin sa bahay ng kameet ay nagpapaalam siya kung pwede ba siyang makiligo. Ayaw niyang may hindi magandang masabi sa kanya ang kasama, kahit marahil iyon lang ang kanilang magiging panahon para magkita. Pagkatapos maligo, hindi na siya nakikipagkwentuhan pa. Diretso na sa ipinunta niya doon.

Kahit na ganoon naman ay pinipili niyang maging safe. Siya na mismo ang nagdadala ng condom. Hindi rin siya nakikipaghalikan. Masyadong sensual ang kissing, madalas niyang sabihin. Dahil dito, ginagawa niya ang lahat ng alam niya para masiyahan naman ang kapartner. Sa mahigit isang oras na pakikipagtalik, wala pa namang reklamong naririnig mula mga nakakasama niya.

Subalit gaano man ang sarap na nararanasan niya, kulang pa rin. Iba pa rin ang nagagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin. Kung may nobyo lang sana siya. Pero malayo pang mangyari ito. “Not in the near future,” pabulong niyang sabi sa sarili habang papasok siya ng apartment.

Posted by jc_pagdanganan 01:29 Archived in Philippines Tagged the_walk Comments (0)

(Entries 6 - 7 of 7) « Page 1 [2]